Friday, October 30, 2009

happy halloween to all

Hi all, bago ang lahat gusto ko kayong batiin ng Happy Halloween. Bukas pyesta na ng mga kamag-anak nating yumao na, kaya wag natin silang kalimutang alalahanin. Kahit may bagyong Santi na nanalasa sa ating bansa at hindi tayo makakadalaw sa puntod ng ating mga yumaong kamag-anak mag-alay pa din tayo ng kandila, bulaklak at higit sa lahat dasal para sa kanila kahit sa ating mga bahay lang. Pwede naman natin silang gunitain kahit 'di tayo maka punta sa kanilang mga puntod. Saka pwede naman natin silang dalawin kahit hindi mismong November 1. Ang importante nanatili sila sa ating mga puso kahit na hindi na natin sila kapiling sa mundong ito. Yun lang po. Happy Halloween ulit sa lahat at be safe kung pupunta kayong sementeryo bukas.

Alam n'yo ba na ang Jack-o'-lantern o yung mga kalabasang inukit na tulad ng nasa picture ko ngayon ay pinangalan after sa isang kakaibang phenomenon ng ilaw? Ang phenomenon na ito ay tinatawag na ignis fatuus.

blog comments powered by Disqus