Wednesday, October 21, 2009

green bag para sa nature

500 years pala or more pa bago ma-decompose ang plastic. Tsk tsk tsk. Ilang henerasyon na pala ang dadaan pero nandito pa din sa Earth yung plastic na ginamit natin na lalagyan ng kung anu-ano. At alam naman natin na isa ang plastic sa dahilan ng mga pagbaha na nararanasaan natin ngayon. Kung patuloy pa din tayo sa paggamit ng plastic at patuloy pa din tayo sa pagigigng iresponsable sa pagtatapon nito, ano na ang mangyayari sa Earth sa mga susunod pang mga taon. Nakakatakot naman isipin.

Kaya ngayon pa lang, kailangan na nating kumilos. Kung hindi natin maiiwasang gumamit ng plastic, kailangan nating maging responsable sa pagtatapon nito. Hindi naman natin kailangang itapon agad ang mga gamit nang plastic, maaari natin itong i-recycle o di kaya ay gamiting ulit.

At maari din tayong gumamit ng mga alternatibong lalagyan maliban sa plastic. Maari naman tayong gumamit ng mga paper bag at etong mga green bag na binebenta sa SM malls. Sa 35 pesos na halaga makakatulong ka ng kahit na maliit na tulong para sa environment. Kaya ano pa hinihintay niyo, kuha na tayo ng green bags at iwasang gumamit ng plastic bags.
blog comments powered by Disqus