Tuesday, November 10, 2009

manny pacquiao vs miguel cotto

Sa darating na Linggo(Pinoy time), titigil nanaman ang mundo ng mga Filipino, hindi lang sa Pilipinas kundi saan mang sulok ng mundo. Sabagay hindi lang ng mga Filipino kundi ng lahat ng mga boxing afficionados(naks ni-search ko pa sa google yan). Ito ay dahil magaganap na ang pinaka-aabangang laban sa pagitan ng ating Pambansang Kamao, Manny 'Pacman'Pacquiao at ang Pride ng Puerto Rico Miguel Cotto.

Kung sakaling mananalo si Pacman sa labang ito, makakagawa siya ng isang karangalang hindi pa nagagawa kahit ng sino mang boksingero, at yan ay ang manalo ng pitong kampeonato sa pitong magkakaibang division. Eto yung mga panahong masarap maging Filipino, sabi ka ni Pacman, "Para sa karangalan ng sambayanang Filipino ang laban niyo".

At malamang pag nanalo si Pacman, sandamakmak nanamang mga politiko ang makikisawsaw sa kanyang tagumpay. At malamang na magagamit din mismo ni Pacman ang tagumpay na ito sa balak niyang pagtakbo sa darating na 2010 election.(mag-boxing ka na lang kasi). Kung tutuusin ang laban na ito ni Pacman ay hindi lamang para sa boxing kundi kasama na rin ang plano niyang tumakbo. Pag nanalo, ganda ng image niya at siguradong aangat kanyang tsansang manalo. Pero naniniwala akong matalino na ang mga pinoy ngayon (sana naman) sa pagpili ng ating mga iluluklok sa pwesto. Kaya sa aking opinyon, boxing na alng kasi Manny. Marami pang paraan para makatulong ka sa ating kababayang Filipino na hindi mo na kailangan pang pumasok sa politika.

Balik sa laban, mukhang maganda ang tsansa ni Pacman sa labanang ito, kahit na hindi masyadong naging maganda ang kanyang training dahil sa mga bagyong dumating sa ating bansa, nagawa naman niyang makabawi sa mga sumunod pang araw ng mga training. At ayon sa mga kanya handa na siya para sa labang ito.

Para kay Manny at sa bansang Pilipinas, ipagdasal natin ang kanyang tagumpay.

blog comments powered by Disqus