Saturday, October 31, 2009

nasaan si moo? - 2

Eto yung Halloween display sa Toy Kingdom SM Southmall. Hanapin n'yo ko?

what more can you do with your nokia?


Did you know you can now enjoy free downloads of Asphalt 4, Prince of Persia, and other premium games on your Nokia device? Ovi Store lets you download up to 10 premium games for free! These games have never before been made freely available, but you can download them for a limited time only! Too good to be true? It’s possible now thanks to Nokia’s partnership with Gameloft, the maverick creators of unrivaled gaming experiences. Game for it? Check out the
Ovi Store now!

Friday, October 30, 2009

happy halloween to all

Hi all, bago ang lahat gusto ko kayong batiin ng Happy Halloween. Bukas pyesta na ng mga kamag-anak nating yumao na, kaya wag natin silang kalimutang alalahanin. Kahit may bagyong Santi na nanalasa sa ating bansa at hindi tayo makakadalaw sa puntod ng ating mga yumaong kamag-anak mag-alay pa din tayo ng kandila, bulaklak at higit sa lahat dasal para sa kanila kahit sa ating mga bahay lang. Pwede naman natin silang gunitain kahit 'di tayo maka punta sa kanilang mga puntod. Saka pwede naman natin silang dalawin kahit hindi mismong November 1. Ang importante nanatili sila sa ating mga puso kahit na hindi na natin sila kapiling sa mundong ito. Yun lang po. Happy Halloween ulit sa lahat at be safe kung pupunta kayong sementeryo bukas.

Alam n'yo ba na ang Jack-o'-lantern o yung mga kalabasang inukit na tulad ng nasa picture ko ngayon ay pinangalan after sa isang kakaibang phenomenon ng ilaw? Ang phenomenon na ito ay tinatawag na ignis fatuus.

Wednesday, October 28, 2009

discOVIries contests from ovi by nokia!

Hi mga fans, gusto n'yo ba ng 1000 pesos Ayala EGC? Simpleng simple lang ang gagawin n'yo. mag-register lang sa www.ovi.com at meron ka nang chance manalo ng 1000 pesos Ayala EGC from OVI by Nokia kung magpapadala ka at mag-share ng inyong mga discOVIry. Para sa complete na mechanics, basahin n'yo lang yung nasa baba :) Good luck sa lahat at enjoy natin ang ating mga experience at discOVIry gamit ang OVI ng Nokia. Click nyo din yung image para sa complete na details.Share your best food discOVIry to fooddiscOVIry@ovi.com.

Share your best fashion/beauty discOVIry to
fashiondiscOVIry@ovi.com.

Share your best tech/gadget/game discOVIry to
techdiscOVIry@ovi.com.

Contest period is from October 27 to November 20, 2009.

We will award 10 winners per category, and each of them will win P1000 Ayala EGC!

Important:

1. You must first open an OVI Mail account at
www.ovi.com.

2. You must put the following details in your email entry:

(a) Name,
(b) Address,
(c) OVI Mail Address, and
(d) Mobile Phone Number.

astroboy the movie

Sa wakas palabas na ang Astroboy, isa 'to sa mga favorite kong cartoons dati. Ang galing ni Sir Osamu Tezuka ng Japan nung ginawa niya yung manga at anime ng Astroboy noong 80's. Isang batang robot na may kakaibang powers, weapon at lakas tapos may mabait na puso na parang sa tao, (at parang si Moo). Ngayon isa na siyang Hollywood movie. Tapos big Hollywood stars pa yung ginamit na boses tulad nina Freddie Highmore-Astro Boy, Nicolas Cage-Dr. Tenma at Samuel L. Jackson-Zog, astig 'di ba? Kaya lang hindi pa siya mapanuod ni Moo :( haaaaay. Pero pramis ko sa sarili ko papanuorin ko 'to!!!

Sunday, October 25, 2009

Century Bangus Fillet’s Anytime, Anywhere Blog Contest!

Gusto nyo bang magkaroon ng iPhone? Baka eto na ang chance nyo. Sali na kayo sa Century Bangus Fillet’s Anytime, Anywhere Blog Contest! Open 'tong contest na 'to sa lahat ng Nuffnang members. Para sa kumpletong detalye click lang po 'tong image.

Contest Mechanics

1. First off, you need to be a Nuffnanger to be eligible for this contest.

2. Write a blog entry about bringing a can of Century Gourmet Bangus Fillet anywhere and enjoying its contents with at least one (1) other person. You can write about your out-of-town trips, cook-outs with friends or family members, or any other occasion when you brought with you a can of Century Gourmet Bangus Fillet. (Century Gourmet Bangus Fillet is available at leading supermarkets nationwide.)

Contest submissions must have the uniform title: “I Enjoyed My Century Bangus Fillet at __________.” Be creative! At least one (1) photo is required. Videos are encouraged.

3. Email the URL of your blog entry with your full name, location, and contact details to
century@nuffnang.com.

4, Submission of entries is until November 29, 2009!

Blog entries will be judged based on the following criteria:

50% Creativity
30% Story behind the experience
20% Relevance to the theme (”Enjoy It Anywhere”)

The five (5) best entries will receive one Apple iPhone each, so stock up on Century Gourmet Bangus Fillet and start writing your contest entries now!

Saturday, October 24, 2009

moo with rico blanco

Last October 24, may libreng concert si kuya Rico Blanco sa Alabang Town Center. At dahil mahilig sa music si Moo at idol niya si kuya Rico Blanco, nanuod ang cute niyong baka :)

Ang aga ko ngang dumating kasi excited na ko, 8:00 pm yung start ng concert, 6:30 nasa venue na ko kaya ayan naabutan ko pang sine-set-up pa lang ang stage.
Kaya bumili na lang muna ako ng CD ni kuya. Kung wala pa kayo kopya, bili na din kayo. At huwag kayong bibili ng pirata ah.Exactly 8:00 nag-start na yung concert. Astig ni kuya Rico, galing mag-perform. Kinanta niya yung mga songs sa album niya saka yun ibang lumang songs niya. Oha, talagang nasa unahan ako para kitang kita ko yung performance ni kuya. :)At ang best part, nakapagpapirma at nakapagpapicture ako kay kuya Rico Blanco.

Friday, October 23, 2009

moo with ironman

Ahehehe, mukhang tutubi lang si Ironman dito.

On shooting phase na ang Ironman 2. Sana lumabas si War Machine, kasi nung sa part 1, muntik na suutin nung negro yung Mark 1 na armor. Tapos sabi niya next time na lang. Sana sa part 2 na yung next time na yun :)

jollibee chicken barbecue

Hi fans, medyo matagal na nilabas ng Jollibee 'tong Chicken Barbecue nila, pero ngayon ko lang siya natikman. Masarap naman siya at sulit na 'din. Malambot at juicy yung chicken, plus masarap din yung timpla ng pagka-barbecue niya. Kaya lang compare sa Chicken Joy, wala pa ring tatalo sa malutong na balat ng Chicken Joy. Chicken Joy pa din ako.

Wednesday, October 21, 2009

green bag para sa nature

500 years pala or more pa bago ma-decompose ang plastic. Tsk tsk tsk. Ilang henerasyon na pala ang dadaan pero nandito pa din sa Earth yung plastic na ginamit natin na lalagyan ng kung anu-ano. At alam naman natin na isa ang plastic sa dahilan ng mga pagbaha na nararanasaan natin ngayon. Kung patuloy pa din tayo sa paggamit ng plastic at patuloy pa din tayo sa pagigigng iresponsable sa pagtatapon nito, ano na ang mangyayari sa Earth sa mga susunod pang mga taon. Nakakatakot naman isipin.

Kaya ngayon pa lang, kailangan na nating kumilos. Kung hindi natin maiiwasang gumamit ng plastic, kailangan nating maging responsable sa pagtatapon nito. Hindi naman natin kailangang itapon agad ang mga gamit nang plastic, maaari natin itong i-recycle o di kaya ay gamiting ulit.

At maari din tayong gumamit ng mga alternatibong lalagyan maliban sa plastic. Maari naman tayong gumamit ng mga paper bag at etong mga green bag na binebenta sa SM malls. Sa 35 pesos na halaga makakatulong ka ng kahit na maliit na tulong para sa environment. Kaya ano pa hinihintay niyo, kuha na tayo ng green bags at iwasang gumamit ng plastic bags.

Monday, October 19, 2009

sm city rosario - malapit na

Hi everybody, sa lahat ng mga taga-Cavite, lalo na yung malapit sa Rosario, malapit na palang magbukas ang SM City Rosario dyan. Siguradong bagong pasyalan nanaman 'to di lang ng mga magbabarkada, pati buong pamilya.

Sakto pa yung location, kasi very accessible. Tapos malapit pa sa Cavite Export Processing Zone (EPZA), malamang patok na patok to pag araw ng sahod.

Ang sabi sa November daw ang target na pagbubukas niya. Isang buwan na lang pala. Next month dadalawin ng paborito niyong cute na baka ang SM City Rosario at i-shashare ko sa inyo ang aking experience.

'Til next time guys :P

Sunday, October 18, 2009

nasaan si moo? - 1

Kanina nagkaroon ako ng time para bisitahin ang mga kamag-anak ko. At dahil weekends ngayon, nadun ang karamihan sa kanila. Sang katerbang kwentuhan at chismisan ang nangyari. Dahil sa di naman araw-araw nagkikita naging parang mini reunion na ito para sa amin. At syempre dahil may reunion hindi mawawala ang pichuran.

Hanapin niyo nga kung nasaan ako? :)

Saturday, October 17, 2009

ako si moo twitter

Hi mga readers, ako si moo twitter ang bakang palaboy, ay correction, ang cute na bakang palaboy. Mahilig akong maglaboy at mamasyal kung saan-saan at sumubok ng kung ano-anong bagay. Kaya naman naisipan kong gumawa ng blog para naman ma-share ko sa inyo ang aking mga adventures. Sana lagi niyo kong bisitahin dito sa aking munting blog. Sa susunod na post magsisimula na ang adventures ko, kaya stay tuned.